Biyernes, Agosto 5, 2016
Katangian na dapat taglayin sa kursong Financial Management
Bilang estudyante na kumukuha at nag-aaral ng kursong
Financial Management ay kailangan na mayroon akong ugali o katangian na trustworthy
o mapagkatitiwalaan, respectful o magalang, compassionate o mapagmalasakit,
industrious o masikap at resilient o matatag.
Ang limang ugali o katangian na iyon ay mas kilala ng mga nag-aaral sa National
University bilang Core Values. Una, ang
katangiang mapagkatitiwalaan ay isa sa mga magagandang asal na dapat taglayin
ng isang tao, kailangan mapagkakatiwalaan ka sa mga bagay-bagay tulad ng
sikreto. Bilang estudyante na nag-aaral ng kursong Financial Management ay
kailangan na mayroon kaming katangian na mapagkatitiwalaan dahil sa pagtatapos
ng aming pag-aaral at nagtrabaho na partikular sa bangko, kailangan namin makuha
ang tiwala ng mga nagdedeposito sa bangko lalo na ang may mga malalaking halaga
nang pera, kailangan magkaroon ng magandang pakikitungo sa mga customers ng sa
ganoon ay tangkilikin ang bangkong pinagtatrabahuhan dahil sa mga trabahador na
mapagkakatiwalaan. Pangalawa, ang
pagiging magalang ay isa sa mga magandang halimbawa kung bakit mayroong
pagkakaisa. Isa ito sa mga rason kung bakit nagiging maganda ang pakikitungo ng
bawat isa sa kanilang kapwa. Kung ang isang indibidwal na may kursong Financial
Management ay magalang lalo na’t isang estudyante pa lamang ay maaari rin niya
itong madala sa trabaho, dahilan upang magkaroon nang magandang
pakikipag transaksyon sa kapwa niya katrabaho, sa customer at sa nakatataas ng
posisyon sa kanya. Pangatlo, ang mapagmalasakit ay ang buong pusong pag-aalay ng tulong at
pagmamahal sa kapwa na walang hinihintay na kapalit. Bilang estudyante, kung
ikaw ay gumagawa ng mga bagay na nakakabuti sa sarili at sa kapwa mo ng walang
hinihintay na bayad ay isa kang mabuting impluwensiya sa kapwa mo estudyante.
Ang ugaling iyan ay kasama mo patungo sa iyong pagtatrabaho, kailangan may
malasakit ka lalo na sa customers, hindi magkakaroon ng interupsyon o pagtatalo
sa isa’t isa kung mayroon ka ng ganitong katangian. Pang-apat, ang pagiging
masikap ay isang rason kung bakit magkakaroon ang isang tao nang magandang
kinabukasan. Halimbawa, ang isang indibidwal ay mayroong pagsisikap sa buhay ay
mamaring magkaroon ito ng magandang buhay dahilan upang hindi siya maliitin ng
mga taong mapagmataas sa lipunan. At kung estudyante pa lamang at masikap na,
maaaring maging maganda ang grado na kalalabasan nang kanyang pag-aaral at
pagdating nang araw na siya ay maghahanap ng trabaho partikular sa aming may
kursong Financial Management, kahit na mahirap kumuha at maghanap ng trabaho ay
hindi siya susuko at magsisikap siya hanggang sa makahanap siya ng magandang
trabaho na magiging dahilan ng pag-angat nang kanyang buhay. Pang-huling Core
Values ng National University na dapat isabuhay ng mga may kursong Financial
Management ay ang pagiging matatag. Ang pagiging matatag ay isang katangian na
kaya mong harapin ang lahat ng pagsubok na darating sa iyong buhay. Bilang
estudyante ng Financial Management, kailangan mong maging matatag sa paggawa ng
mga ibinibigay na gawain ng iyong guro lalo na sa Matematika, sa pagpupuyat
nang dahil sa mga proyekto at mga presentasyon. Kung naging matatag ang
estudyante sa pag-aaral ay magiging matatag din ito sa kanyang trabaho
halimbawa ay ang isang indibidwal ay nakagawa ng pagkakamali sa kanyang
trabaho, kailangan niyang maging matatag ang sarili niya dahil alam niya na mas
masasabi ang tao na nakatataas sa posisyon niya nang hindi magagandang salita.
Ang Core Values ay nakatutulong sa estudyante upang makamit ang kanyang minimithing
tagumpay. Tandaan na kung matatag, masikap, mapagmalasakit at magalang ang
isang tao ay mas malaki ang posibilidad na pagkatiwalaan siya ng nakararami at
mas malaki ang posibilidad na maging maunlad at maganda ang kanyang buhay. Ang
Core Values ng National University ay hindi lamang pampaaralan pwede rin ito sa
iba’t ibang lugar dahil ang Core Values ay ugali na dapat taglayin ng bawat
isa at wala itong pinipiling lugar.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)