Biyernes, Agosto 5, 2016

Katangian na dapat taglayin sa kursong Financial Management

Bilang estudyante na kumukuha at nag-aaral ng kursong Financial Management ay kailangan na mayroon akong ugali o katangian na trustworthy o mapagkatitiwalaan, respectful o magalang, compassionate o mapagmalasakit, industrious o masikap at resilient o  matatag. Ang limang ugali o katangian na iyon ay mas kilala ng mga nag-aaral sa National University bilang Core  Values. Una, ang katangiang mapagkatitiwalaan ay isa sa mga magagandang asal na dapat taglayin ng isang tao, kailangan mapagkakatiwalaan ka sa mga bagay-bagay tulad ng sikreto. Bilang estudyante na nag-aaral ng kursong Financial Management ay kailangan na mayroon kaming katangian na mapagkatitiwalaan dahil sa pagtatapos ng aming pag-aaral at nagtrabaho na partikular sa bangko, kailangan namin makuha ang tiwala ng mga nagdedeposito sa bangko lalo na ang may mga malalaking halaga nang pera, kailangan magkaroon ng magandang pakikitungo sa mga customers ng sa ganoon ay tangkilikin ang bangkong pinagtatrabahuhan dahil sa mga trabahador na mapagkakatiwalaan.  Pangalawa, ang pagiging magalang ay isa sa mga magandang halimbawa kung bakit mayroong pagkakaisa. Isa ito sa mga rason kung bakit nagiging maganda ang pakikitungo ng bawat isa sa kanilang kapwa. Kung ang isang indibidwal na may kursong Financial Management ay magalang lalo na’t isang estudyante pa lamang ay maaari rin niya itong madala sa trabaho, dahilan upang magkaroon nang magandang pakikipag transaksyon sa kapwa niya katrabaho, sa customer at sa nakatataas ng posisyon sa kanya. Pangatlo, ang mapagmalasakit ay ang buong pusong pag-aalay ng tulong at pagmamahal sa kapwa na walang hinihintay na kapalit. Bilang estudyante, kung ikaw ay gumagawa ng mga bagay na nakakabuti sa sarili at sa kapwa mo ng walang hinihintay na bayad ay isa kang mabuting impluwensiya sa kapwa mo estudyante. Ang ugaling iyan ay kasama mo patungo sa iyong pagtatrabaho, kailangan may malasakit ka lalo na sa customers, hindi magkakaroon ng interupsyon o pagtatalo sa isa’t isa kung mayroon ka ng ganitong katangian. Pang-apat, ang pagiging masikap ay isang rason kung bakit magkakaroon ang isang tao nang magandang kinabukasan. Halimbawa, ang isang indibidwal ay mayroong pagsisikap sa buhay ay mamaring magkaroon ito ng magandang buhay dahilan upang hindi siya maliitin ng mga taong mapagmataas sa lipunan. At kung estudyante pa lamang at masikap na, maaaring maging maganda ang grado na kalalabasan nang kanyang pag-aaral at pagdating nang araw na siya ay maghahanap ng trabaho partikular sa aming may kursong Financial Management, kahit na mahirap kumuha at maghanap ng trabaho ay hindi siya susuko at magsisikap siya hanggang sa makahanap siya ng magandang trabaho na magiging dahilan ng pag-angat nang kanyang buhay. Pang-huling Core Values ng National University na dapat isabuhay ng mga may kursong Financial Management ay ang pagiging matatag. Ang pagiging matatag ay isang katangian na kaya mong harapin ang lahat ng pagsubok na darating sa iyong buhay. Bilang estudyante ng Financial Management, kailangan mong maging matatag sa paggawa ng mga ibinibigay na gawain ng iyong guro lalo na sa Matematika, sa pagpupuyat nang dahil sa mga proyekto at mga presentasyon. Kung naging matatag ang estudyante sa pag-aaral ay magiging matatag din ito sa kanyang trabaho halimbawa ay ang isang indibidwal ay nakagawa ng pagkakamali sa kanyang trabaho, kailangan niyang maging matatag ang sarili niya dahil alam niya na mas masasabi ang tao na nakatataas sa posisyon niya nang hindi magagandang salita. Ang Core Values ay nakatutulong sa estudyante upang makamit ang kanyang minimithing tagumpay. Tandaan na kung matatag, masikap, mapagmalasakit at magalang ang isang tao ay mas malaki ang posibilidad na pagkatiwalaan siya ng nakararami at mas malaki ang posibilidad na maging maunlad at maganda ang kanyang buhay. Ang Core Values ng National University ay hindi lamang pampaaralan pwede rin ito sa iba’t ibang lugar dahil ang Core Values ay ugali na dapat taglayin ng bawat isa at wala itong pinipiling lugar.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento